Inilantad ng National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang papel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang pinakamalaking “terrorist groomer” sa bansa.
Sa virtual press Confernce ng NTF-ELCAC kahapon, isiniwalat ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang “network” ng mga Underground Mass Organizations (UMO) at Front organizations na ginagamit ng NDFP para makapanloko ng mga indibidual na sumama sa kanilang kilusan.
Partikular aniyang target ng recruitment ang kabataan at mga estudyante.
Ayon kay Torres ang designasyon ng pamahalaan sa NDFP bilang teroristang organisasyon noong Hunyo 23, 2021 ay patunay na nananatiling banta ang grupo sa pampublikong kaligtasan at pambansang seguridad.
Nanawagan si Torres sa mga indibidual, pamilya, komunidad, paaralan, at mga “workplace” na maging mapagbantay sa isinagawang “terrorist-grooming” sa kanilang hanay para sa kaligtasan ng kabataan at kaayusan ng lipunan. | ulat ni Leo Sarne