Hindi lamang sa health centers at pagbahay-bahay ang ginagawang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga sanggol sa Malabon City.
Inilunsad na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Bivalent Oral Polio Vaccine (๐๐๐๐) Supplemental Immunization Activity sa ilang katuwang na mall.
Sa abiso ng LGU, maaaring puntahan ng mga nanay ang
Malabon Citisquare, Fishermall Malabon at Robinsons Malabon upang mapabakunahan ang kanilang mga anak.
Inoobliga ang mga ito na pabakunahan ang mga batang edad 0-59 na buwang gulang para maging ligtas mula sa polio at iba pang vaccine-preventable diseases.
Tatagal pa hanggang Mayo 15 ang Chikiting Ligtas Bivalent Oral Polio Supplemental Immunization ng Department of Health at lokal na pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer
๐ท: Malabon LGU