Tatlong Centenarian mula sa Taguig, tumanggap ng P100-K cash gift

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pugay at pagkilala ng Pamahalaang Lungod ng Taguig ang 3 nilang senior citizen na nagdiriwang ng kanilang sentenaryo o ika-100 taong gulang kamakailan.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, bahagi ito ng kanilang programa para sa mga tinaguriang “Centenarian ng Lungsod” na mabigyang benepisyo dahil sa di pangkaraniwang pagkakataong ito.

Dahil diyan, personal na ipinaabot ni Mayor Cayetano ang tseke kina Lola Patria Entrata, 102 anyos mula sa West Rembo; Lola Carmen Borja mula sa Brgy. Ususan, at Lola Severa Decasa mula sa Brgy. Rizal.

Alinsunod sa City Ordinance no. 25 series of 2017, ang mga senior citizen na makatutuntong ng 100 taong gulang ay kuwalipikado na tumanggap ng P100,000 cash gift.

Bukod pa aniya ito sa benepisyong ipinagkakaloob ng National Government alinsunod naman sa itinatakda ng Centernarians Act of 2016.

Samantala, nagbibigay din ng insentibo ang LGU sa lahat ng senior citizen ng lungsod mula P3,000 hanggang P10,000 depende sa kanilang age bracket. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us