Ikinatuwa ni NFA Acting Administrator Dr. Larry del Rosario Lacson ang pagtangkilik ng mga magsasaka sa ipinatupad na mas mataas na buying price ng palay.
Nasaksihan ito mismo ni Lacson sa kanyang pag-iikot sa ilang NFA warehouse sa Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija.
Ayon kay Lacson, magandang balita na maraming magsasaka ang nagbebenta muli ng kanilang bagong ani sa NFA.
“We are very happy that finally, we are now again seeing farmers selling their harvest to us after a very long time. This is the result of the new pricing scheme of NFA. We can now match the current price of traders, or even higher, and as you can see, many farmers are now again lining up in our warehouses,” Administrator Lacson.
Sa Nueva Ecija lamang, nasa 20,000 palay bag ang nabili na ng ahensya sa nakalipas na dalawang araw.
Patuloy namang umaasa ang ahensya na marami itong mabiling suplay ng palay kahit patapos na ang anihan dahil makakatulong ito para makamit ng NFA ang target para sa unang bahagi ng 2024.
Kaugnay nito, nilinaw rin ni Lacson na hindi sila nakikipagkumpetensya sa traders dahil pangunahing layon nila ang maabot ang target lalo na sa buffer stock.
“We just have to meet the target, and it is very important for the government to have our buffer stock. This will not affect the market since our target nationwide is not even 5% of the national production,” Lacson.
Bawat taon, ay dapat makapag-imbak ng higit 300,000 tonelada ng bigas ang NFA, katumbas ng konsumo sa loob ng 9 na araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa