Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang pagpapalakas sa sektor ng pangingisda sa kanilang lungsod.
Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang orientation para sa 130 mamamalakaya kung saan nagkaroon ng mahahalagang pag-aaral at tips para sa sektor ng mamamalakaya hinggil sa mga makabagong paraan ng pangingisda at mga pundamental na batas kaugnay sa paggamit at pagpapahalaga sa Inang Kalikasan o ang natural resources.
Katuwang ng alkalde sa naturang proyekto ang Pasay City Environment and Natural Resources Office (PCENRO) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay Rubiano, sa patuloy na pagbabago ng kalagayan ng lungsod at ng bansa, mahalaga ang pagtutulungan dahilan kaya sa kanyang nasasakupan ay isinusulong nila ang tuloy-tuloy na pag-aaral lalo na sa batas at mga gawain bilang bahagi na rin ng paglilingkod sa mamamayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Pasaya LGU