24/7 ang gagawing pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Kamuning flyover southbound.
Ito ang sinabi ni DPWH-NCR Dir. Loreta Malaluan na maagang nag-inspeksyon ngayong araw sa flyover bilang paghahanda sa pagsasara nito sa May 1.
Ayon sa opisyal, sisikapin nilang agad na makumpleto ang retrofitting sa itaas na bahagi ng tulay upang agad itong mabuksan sa mga motorista basta’t walang magiging aberya.
Batay sa orihinal na iskedyul ay isasara ang flyover mula May 1 hanggang Oct. 25.
Sa ngayon ay puspusan na ang paghahanda ng DPWH at sinimulan na rin ang pagkakabit ng bakal sa ilalim ng Kamuning flyover. | ulat ni Merry Ann Bastasa