Iniulat ng Philippine National Police na bumaba ng 19.57% ang focus crimes sa 10,249 insidente mula Enero hanggang Abril 22 sa taong ito kumpara sa 12,743 insidenteng naitala sa parehong panahon noong nakalipas na taon.
Ang focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft.
Ang mga kaso ng rape ang may pinakamalaking ibinaba na nasa halos 47%; kasunod ng vehicle theft na bumaba ng halos 43%; physical injury, mahigit 16%; robbery, mahigit 13%; motorcyle theft, halos 11%; at theft, na bumaba ng mahigit 10%.
Habang tumaas naman ng lagpas 13% ang mga insidente ng homicide sa 363 insidente mula sa 320 kaso; gayundin ang mga insidente ng murder na bahagyang tumaas ng .63% sa 1,280 insidente kumpara sa 1,272 noong nakaraang taon. | ulat ni Leo Sarne