May-ari ng 2 SUV na narekober kaugnay ng 1.4 toneladang shabu na nasabat sa Batangas, hinahanap ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang tini-trace ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng dalawang SUV na narekober ng Highway Patrol Group (HPG) sa San Luis Pampanga, kaugnay ng 1.4 na tonelada ng shabu na nasabat sa Alitagtag, Batangas kamakailan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ang inabandonang itim na Toyota Land Cruiser at puting Ford Explorer ay nakita sa CCTV footage na kasama ng van na hinarang sa checkpoint kung saan natagpuan ang malaking bulto ng shabu.

Nakita sa loob ng mga naturang SUV ang samut saring plate number, kabilang ang nakakabit na plaka nang mamataan ang mga ito noong April 15 sa Batangas.

Sinabi ni Fajardo na ang dalawang sasakyan ay nasa kustodiya na ng Calabarzon PNP at sinusuri para marekober ang DNA ng huling nagmaneho ng mga ito.

Nauna rito, isinailalim na rin ng PNP sa kustodiya ang yate na pinaniniwalaang pinag-kargahan ng droga, na inarkila umano ng indibidwal na siya ring nagrenta ng bahay malapit sa pinagdaungan ng yate na ni-raid ng mga imbestigador kamakailan.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us