Sen. Robin Padilla, bukas sa pagsusulong ng Constitutional Convention para amyendahan ang Saligang Batas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Senate Committee on Constitutional Ammendments Chairperson Senador Robin Padilla na magsulong ng Constitutional Convention (Con-Con) para amyendahan ang ilang economic at political provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Padilla, hihingi siya ng tulong mula sa dalawang dating Finance secretary ng bansa para masiguro na hindi gaanong magiging magastos ang isusulong na Con-Con.

Sa susunod na linggo, balak ni Padilla na maghain ng resolusyon para dito.

Pinaliwanag ni Padilla na matapos ang pagdinig ng kanyang komite sa Senate Resolution of Both Houses No. 5 o ang panukalang nagsusulong ng amyenda sa political provision ng konstitusyon, nakita niyang habang umuusad ang talakayan ay lumalaki nang lumalaki ang scope ng mga nais na baguhin sa Saligang Batas.

Kaya naman mainam na aniyang isabay na lang ang pagbabago sa economic at political provisions sa pamamagitan ng Con-Con.

Nilinaw naman ng senador na ititigil niya lang nila ang pagtalakay sa isinusulong nilang Con-Con kung maipapasa na ang Economic Cha-Cha, na sinasabing magiging daan para madagdagan ang foreign investors sa bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us