Mga bisikletang dumaraan sa EDSA, iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila, patuloy na nababawasan — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng datos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa average daily count ng mga bisikletang bumabagtas sa kahabaan ng EDSA gayundin sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na pag-aaral ng MMDA kung may pangangailangan nang alisin ang Bike Lane sa EDSA o i-convert ito bilang shared lane sa mga motorsiklo.

Batay sa 14-hour count ng MMDA Traffic Engineering Center mula 2020 hanggang 2023, kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang ng mga bisikletang gumagamit ng EDSA at iba pang pangunahing lansangan.

Noong 2020 o sa kasagsagan ng pandemya, umaabot sa 3,311 ang average na bilang ng mga nagbibisikleta sa EDSA, bumaba ito sa 3,264 noong 2021

Noong 2022 naman, bumaba pa ang bilang ng mga bisikletang dumaraan sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa 2,661 at lalo pa itong bumaba noong 2023 naman ay umabot pa ito sa 1,786.

Hindi pa tinukoy ng MMDA kung ano ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga nagbibisikleta subalit una nang sinabi ng ahensya na “underutilized” ang bike lane sa EDSA dahil sa mas marami ang nagmomotorsiklo kumpara sa nagbibisikleta.

Maliban sa EDSA, malaki rin ang ibinaba ng bilang ng mga nagbibisikleta sa C5, Commonwealth Avenue, Roxas Blvd, Road 10, Quezon Avenue, at Marcos Highway. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us