Mga mambabatas, pinuri ang pagkakahirang kay Hans Leo Cacdac bilang bagong DMW Secretary

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na nagpaabot ng pagbati ang ilan sa mga Party-list representatives matapos italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Undersecretary Hans Leo Cacdac bilang bagong kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay Kabayan Party-list Representative Ron Salo, nagsilbing sandigan ng ahensya at taga-protekta ng mga OFW si Cacdac sa nakalipas sa walong buwan sa gitna na rin ng geopolitical shifts  na nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.  Dahil naman sa lawak aniya ng karanasan ni Cacdac sa paglilingkod sa mga OFW, ay ‘excellent choice’ siya ni PBBM para pangunahan ang ahensya.

Nangako rin si Salo na susuportahan ang bagong kalihim.

“I am confident that with his leadership and vast experience, the DMW and the OFWs are indeed in good hands. As Chairperson of the House Committee on Overseas Workers Affairs, my full support and steadfast commitment to Sec. Hans’ leadership in the DMW remains as we continue to collaborate in providing the best service to our fellow Filipinos worldwide,” sabi ni Salo.

Ikinalugod din ni OFW Party-list Representative Marisaa Magsino ang pagkakatalaga kay Cacdac.

Aniya nasa tamang lugar ang puso ng opisyal na ang nais ay maglingkod ng tapat para sa mga OFW.

Maliban dito, nakita aniya ng lahat na naipagpatuloy niya ang legasiya ng pumanaw na Kalihim Toots Ople.

Kumpiyansa rin ang lady solon, na sa pamumuno ni Cacdac ang DMW ay tunay na magiging “Tahanan ng OFW”.

“As a veteran in public service and of migration policies, he knows the ins and outs of the processes and nuances of Philippine labor migration. But more than his capabilities, Secretary Cacdac also has his heart in the right place – to offer genuine service to our Overseas Filipino Workers and their families,” ani Magsino.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us