Muling naglabas ng abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng panibagong alert status sa Luzon at Visayas Grid ngayong araw.
Dahil sa kakapusan ng reserba sa kuryente, muling isasailalim sa Yellow Alert ang Luzon Grid mula alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Paliwanag ng NGCP, 14 na planta ang naka-forced outage ngayong abril habang dalawa ang mas mababa ang kapasidad para sa kabuuang 1,512.7MW na nawala sa grid.
Kaugnay nito, Yellow Alert naman ang iiral sa Visayas Grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi o tatagal ng apat na oras.
Dahil rin ito sa kawalan ng 604.1 MW sa grid. | ulat ni Merry Ann Bastasa