Dahil sa tumitindi pang init ng panahon ay pinalawig ng Valenzuela local government ang pagpapatupad nito ng adjusted class schedule sa mga paaralan sa lungsod.
Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng LDRRMC, Schools Division Office-Valenzuela, VALAPSA, SPTA, at mga pamunuan ng PLV at ValTech.
Ayon sa Valenzuela LGU, simula sa April 29, ay hahatiin sa Group A at B ang klase sa pampublikong paaralan mula kinder hanggang Grade 12.
Ang Group A ay papasok ng F2F classes mula 6am-10am tuwing l
Lunes at Martes at asynchronous naman pagsapit ng Miyerkules hanggang Biyernes.
Ang Group B naman ay may F2F classes sa kaparehong oras tuwing Miyerkules at Huwebes at asynchronous naman pagsapit ng Biyernes hanggang Martes.
Para naman sa mga estudyante ng private school, paiiralin ang F2F classes tuwing Lunes at Martes at asynchronous naman pagsapit ng Miyerkules hanggang Biyernes.
Para naman sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV), Valenzuela City Technological College (ValTech), at mga pribadong kolehiyo at unibersidad, ang desisyon ukol sa pag-adjust ng iskedyul ay ipapaubaya na sa kanilang mga pamunuan. | ulat ni Merry Ann Bastasa