Umabot na sa 794 ang bilang ng mga miymebro at suporter ng kilusang komunista na na-nutralisa ng pamahalaan simula Enero 1 hanggang Abril 18 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, sa naturang bilang, 701 ang sumuko sa pamahalaan, 46 ang naaresto at 47 ang nasawi sa mga military operations.
Samantala, iniulat din ni Trinidad na mayroong 322 na iba’t-ibang uri ng armas at 88 anti-personnel mines ang narekober at isinuko sa mga awtoridad.
Patuloy naman ang panawagan ng militar sa nalalabing miyembro ng teroristang grupong komunista na magbaba na ng armas at magbalik-loob sa pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne