Hinikayat ng Valenzuela Local Government ang mga first time job seekers at iba pang naghahanap ng trabaho na maghanda na ng maraming resume dahil magkakaroon din ito ng malawakang job fair kasabay ng selebrasyon ng Labor Day sa May 1.
Sa abiso ng Valenzuela, daandaang job vacancies ang bubuksan nito sa job fair na gaganapin sa Event Center, sa SM City Valenzuela mula 8:00 AM- 3:00 PM
Kabilang sa mga employer na magaalok dito ng trabaho ay mula sa manufacturing, manpower services, at sales and marketing.
Mayroon ding iaalok na mga trabaho abroad.
Pinapayuhan ang mga interesadong jobseekers na magrehistro online sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na nakapaskil sa fb page ng pamahalaang lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa