Aabot sa mahigit 200 adolescents ng mga young adults ang nagtipon sa Robinsons Las Piñas para sa unang session ng “Healthy Young Ones” Activity.
Ayon sa pamahalaang lunsod ito ay isang health and wellness event na nakatutok sa pagtuturo sa mga young individuals tungkol sa reproductive at sexual health.
Pinangunahan ang naturang pagtitipon ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, sa pakikipagtulungan sa City Health Office sa pamumuno ni Dr. Juliana Gonzalez.
Layon nito na mabigyan ng kaalaman ang mga binata at dalaga gayundin ang sapat na responsibilidad hinggil sa gender, sexuality, reproduction, at pag-iwas sa HIV at iba pang mga sexually transmitted infections.
Ang nasabing session ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba na himukin ang publiko para sa isang healthy lifestyle choices sa mga adolescents while habang inilalayo ang mga ito sa mga mapanganib na gawain.
Ayon sa Las Piñas government, maganda ang naging pagtanggap ng nasabing programa kung saan ito anila ay nagpapakita ng commitment ng komunidad na magkaroon at pangalagaan ang kanilang well-informed at responsible young citizens. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📸: Las Piñas