Medical Mission, isinagawa ng Lungsod ng Parañaque

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iba’t ibang serbisyo-medikal ang inilatag ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa mga residente nito partikular sa mga nakatira sa Silverio Compound, Purok 4 Covered Court sa Barangay San Isidro.

Ayon kay Mayor Eric Olivarez, naghandog sila ng medical consultation at vaccination para sa mga bata.

Mayroon ding feeding program at libreng gamot sa mga nangangailangan.

Dagdag pa ni Olivarez, ito ay programang hatid ng tanggapan ni Vice Mayor Joan Villafuerte na bahagi sa paggunita ng ika-12 taong anibersaryo ng Silverio Compound demolition na nangyari noong April 23, 2012.

Layunin ng medical mission na bigyang pugay ang mga residente ng naturang komunidad na nagpakita ng katapangan para ipaglaban ang kanilang karapatan sa kanilang paninirahan.  | ulat ni Lorenz Francis Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us