Magsisimula na sa May 2 ang pagpapatupad ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ng adjusted work schedule.
Sa naturang schedule, magsisimula ang pasok sa 7:00 AM at ito ay tatagal ng 4:00 PM.
Ayon kay Mayor Ruffy Biason exception dito ang mga opisina na magbibigay ng Frontline services base na rin sa Civil Service Commission Memorandum Circular no.12s 2008.
Ayon sa alkalde mananatili rin sa 8:00 AM to 5:00 PM schedule ang Peace and order offices tulad ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB), Public Order and Safety Office (POSO), Civil Society Organization (CSO) pati ang mga health center.
Dahil dito ay nanawagan ng suporta ang alkalde sa mga mamamayan ng Muntinlupa para sa bagong polisiya na naglalayong mabawasan ang mga nagko-commute tuwing Rush Hour. | ulat ni Lorenz Tanjoco