Pinangunahan ni Mayor Eric Olivarez ang pamamahagi ng payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation/s (AICS), isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umabot sa mahigit 500 ang benepisyaryo na nakinabang at nakatanggap ng ayuda kung saan halos 300 sa mga ito ay nakakuha ng medical assistance na nagkakahalaga ng ₱3,000 hanggang ₱5,000.
Habang ang natitira naman ang nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱2,000.
Ayon kay Mayor Olivarez maaari ring magtungo ang mga residente sa tanggapan nito para sa karagdagang tulong-pinansiyal at medikal sa pamamagitan ng City Social Amelioration Program.
Ang City SAP ay programa naman ng City Social Welfare and Development Department na naglalaan ng karagdagang tulong sa mga residenteng nangangailangan. | ulat ni Lorenz Tanjoco