Niligtas ng mga tropa ng 91st Infantry Battalion ang isang sugatang buntis na NPA na inabandona ng kanyang mga kasamahan kasunod ng enkwentrong naganap sa Sitio Pinamaypayan, Brgy. Umiray, Dingalan, Aurora.
Kinilala ni Norther Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. General Fernyl Buca ang naligtas na NPA na si Manilyn ‘Manene’ Dela Cruz, alyas ‘Miya/Manene’, 19 na taong gulang, na miymebro ng Platoon Julian, Komiteng Larangang Guerilla – Narciso.
Nang matagpuan matapos ang enkwentro, si dela Cruz ay agad na dinala ng mga tropa sa Fort Magsaysay Army Station Hospital para lapatan ng lunas, at kinalaunan ay ni-refer sa isang ospital sa Cabanatuan City dahil sa kanyang maselang kondisyon.
Si dela Cruz na mula sa Dumagat Tribe at apat na buwang buntis sa kanyang unang sanggol, ay may mga outstanding warrant of arrest sa patong-patong na kasong kinabibilangan ng Arson, Attempted Murder, Direct Assault with Multiple Murder, at Frustrated Murder.
Sinabi ni Lt. Gen. Buca na ang ginawang pag-abandona ng mga NPA sa kanilang sugatang kasamahan ay ehemplo ng kaduwagan at “inhumane acts” ng mga teroristang komunista. | ulat ni Leo Sarne