Sen. Gatchalian: Paggamit ng nuclear power sa Pilipinas, kailangan pang pag-aralang mabuti

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na hindi pa handa sa ngayon ang Pilipinas na gumamit ng nuclear power bilang isa sa mga pagkukunan ng kuryente ng bansa.

Sinabi ng senador, na marami pang dapat na pag-aralang mabuti sa usaping ito.

Aniya, ang maganda sa nuclear power ay mas episyente ito at kakaunting raw material lang ang kakailanganin para makapag produce ng kuryente.

Sa kabilang banda naman, may pagkadelikado rin aniya ang paggamit ng naturang energy source at malaking isyu ang tungkol sa waste disposal nito.

Binanggit rin ng mambabatas, na wala pa tayong regulator para sa ganitong uri ng energy source at mangangailangan rin ng mga technical people na magpapatakbo sa planta.

Kaugnay  nito, suportado ni Gatchalian ang ginagawa ng Department of Energy (DOE) na dahan-dahang approach sa pagbuo ng nuclear power program para sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us