Patuloy na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng non-motorized transport gaya ng pagbibisikleta at paglalakad.
Pati na rin ang paggamit ng light electric vehicles bilang sustainable na paraan ng transportasyon.
Alinsunod ito sa National Transport Policy at Philippine Development Plan 2023-2028.
Ayon sa DOTr, kabilang sa kanilang mga hakbang ang paglalaan at pagtatakda ng ilang bahagi ng kalsada para sa bike lanes.
Sa ilalim ng National Transport Policy at Philippine Development Plan, binibigyang prayoridad ang mga pedestrian at non-motorized vehicles sa mga gumagamit ng kalsada.
Inaasahang lalakas pa ang programa matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat bigyang-prayoridad ng pamahalaan ang mga pasilidad para sa active transport.
Kaugnay nito, tiniyak ng DOTr na ipagpapatuloy ang programang Active Transport sa tulong ng mga lokal na pamahalaan. | ulat ni Diane Lear