Mga eligible na benepisyaryo ng 4Ps, maaari nang makuha ang kanilang cash grants – DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaari nang makuha ng mga eligible na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kanilang cash grants, sa pamamagitan ng ATM cards sa mga sangay ng Land Bank o sa mga accredited merchant nito.

Ito ang sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao.

Nagpaalala naman si Asec. Dumlao sa mga benepisyaryo na gamitin ang cash grant para sa edukasyon at kalusugan ng kanilang mga anak.

Ang payout ay nagsimula noong April 13 para sa mga regular na benepisyaryo, at retroactive payment naman para sa mga pamilya na na-reactivate dahil sa assessment na isinagawa ng Social Welfare and Development Indicators.

Pinayuhan naman ng opisyal ang mga benepisyaryo, na makipagtransaksyon lamang sa municipal links o provincial links na kanilang nasasakupan kung mayroong katanungan hinggil sa nagpapatuloy na pay-out.

Ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy na programa ng gobyerno na nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us