Binahagi ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Bato dela Rosa na bibigyang prayoridad ng kanyang kumite na mabusisi ang sinasabing ‘PDEA leaks’ o ang pag-leak ng mga confidential information ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbabalik ng kanilang sesyon simula sa Lunes.
Manghihingi rin aniya ang senador ng update mula sa PDEA tungkol sa malaking drug haul sa Batangas kamakailan.
Bilang chairman naman ng Senate Special Committee on Marawi Rehabilitation and Victims’ Compensation, makikipagpulong rin si dela Rosa sa kanyang mga counterpart sa Kamara para manghingi ng update sa isyu.
Umaasa rin ang senador na matutupad ang pangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri na talakayin sa plenaryo ang panukalang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Bill.
Ito ay para maihabol ang pagpapasa ng ROTC bill bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo.
Handa na aniya ang mambabatas na makipagdebate sa mga kapwa niya Senador tungkol sa ROTC bill. | ulat ni Nimfa Asuncion