Kamara, nakahanda para sa marathon hearing ukol sa malaking pagkakaiba ng farm gate at retail price ng basic commodities

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng mga mambabatas ang ipinatawag na pagdinig ni Speaker Martin Romualdez upang tukuyin kung bakit may malaking pagkakaiba sa farm gate at retail price ng mga basic commodity.

Ayon mismo kay Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon na bahagi ng ‘Young Guns’ ng Kamara, hindi uupuan ng House leadership ang ganitong kalakaran na nagpapahirap sa mga magsasaka at consumers.

Kung kailangan din aniya na magdaos ng marathon hearing para dito ay nakahanda sila gaya nang sa isyu ng onion cartel noong nakaraang 2022.

“The House under the Romualdez leadership doesn’t sit idle as middlemen make a killing to the detriment of agricultural workers and consumers. We proved this in our exhaustive investigations on the onion price surge of the last quarter of 2022, and on the issue of agricultural smuggling in general. We unmasked a cartel and held its unscrupulous partners in government accountable. If we have to invest months of marathon hearings into this inquiry again then so be it. Hindi uubra ang ganitong klaseng pang-aagrabyado sa mamamayan,” ani Bongalon.

Para naman kay Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong ang hakbang na ito ng House Speaker ay nagpapakita ng kaniyang malasakit sa mga maliliit na sektor ng lipunan.

“Unfortunately, our farmers continue to be among the more vulnerable sectors of our society. That means they need all the help and attention that they can get from leaders in government. Our Speaker understands this. Ang puso niya ay para sa maliliit na Pilipino, tulad ng mga magsasaka,” ani Adiong.

Giit pa ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario, na sa gagawing imbestigasyon ng Kamara ay agad matutugunan ang aniya’y ‘worst case scenario’ na pasakit sa mga manggagawa sa agrikultura at mga mamimili. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us