Nagtulungan ang Philippine Red Cross (PRC) at Lokal na pamahalaan ng Valenzuela upang magtayo ng mga water station sa ilang lugar sa lungsod.
Layon nitong tulungan ang mga commuter, empleyado, at estudyante na nakararanas ng matinding init.
Kabilang sa mga lugar na nilagyan ng mga water station ang kahabaan ng Puregold Dalandanan sa may Malanday Mcarthur Highway, Marulas McArthur Highway sa Our Lady of Fatima University, at ALERT Center Compound sa Malinta.
Nasa 150 na mga indibidwal ang nabenepisyuhin ng naturang inisyatibo.
Plano namang ipagpatuloy ng PRC ang aktibidad hanggang sa susunod na buwan.
Pinayuhan naman ni PRC Chairperson Richard Gordon ang publiko na manatiling mapagbantay, manatiling hydrated, at magpahinga mula sa napakatinding init. | ulat ni Diane Lear