Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang capsule laying ceremony para sa itatayong P1.5- billion na Mactan Newtown Expo sa Lapu-Lapu City, Cebu ngayong araw, Abril 27,2024.
Ang convention center ay itinuturing na first of its kind sa Mactan at sa buong lalawigan ng Cebu.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang bagong development na hatid ng Megaworld sa Lapu-Lapu City ay makakapaghikayat ng turista at mga gustong mamuhunan sa bansa.
Ang bagong convention center at iba pang developments na ginagawa ng Megaworld sa Mactan Newtown ay tiyak aniyang magdudulot ng paglago pa ng turismo na sa sektor ng MICE (meetings, incentives, conventions and exhibitions) at makapagdadala ng job opportunity sa lugar.
Inaasahan ring magiging venue ng ASEAN Summit sa taong 2026 ang itatayong convention center at iba pang mga international meetings.
Bilang tugon naman ng pamahalaan, naglaan aniya ang gobyerno ng mahigit P2-billion para sa pagpapaayos ng mga daan sa Lapu-Lapu City. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu