Umarangkada ngayong araw (Abril 29) ang nationwide ‘Ease of Paying Taxes (EOPT) Roadshow’ Metro Manila Cluster sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang EOPT Roadshow ay tanda ng inclusive approach ng BIR para sa mga taxpayer.
Nilalayon nito na turuan ang taxpayers sa mga update na dala ng batas ng EOPT sa sistema ng pagbubuwis at ang paglikha ng inclusive environment para sa mga ito.
Makikipag-ugnayan ang BIR sa mga taxpayer para maipaalam sa kanila ang kanilang mga obligasyon sa buwis.
Maaari ring makipag-ugnayan ang mga taxpayer sa BIR para sa mga komento o mungkahi sa pagpapabuti ng pangangasiwa ng buwis sa Pilipinas.
Sa Metro Manila Cluster roadshow, tututukan ng BIR ang pagpapaliwanag sa mga update ng EOPT sa Classification, Value-Added Tax, Registration & Invoicing, Refund, Income & Withholding Tax, at Penalties & Publication.
Bibisitahin din ng BIR ang mga lalawigan sa buong bansa pagkatapos ng roadshow sa Metro Manila. | ulat ni Rey Ferrer
📷: BIR