Pangulong Marcos, nagbabala sa mga manggugulo sa BARMM elections sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga magtatangkang manggulo sa kauna-unahang halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa May 2025.

Sa komemorasyon ng ika-10 anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), sinabi ng Pangulo na pamahalaan na ang makakalaban ng mga magtatangka ng masama sa BARMM election.

“Let this also serve as a warning to those who may plan to threaten and derail this upcoming election, huwag nyo nang isipin ‘yan dahil ang kakalabanin na ninyo ay ang pamahalaan.” -Pangulong Marcos Jr.

Mas mainam aniya kung tututukan na lamang ng mga ito ang pagtulong sa pagpapatatag ng kanilang komunidad, kung saan ang mga mamamayan ay nabibigyan ng mga oportunidad para sa mas masagana at mas malusog na pamumuhay.

“Instead, channel your energy to help build productive and thriving communities where citizens are offered wide livelihood opportunities and healthy living spaces.” -Pangulong Marcos

Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo ang mga residente sa rehiyon na gamitin ang kanilang karapatan na makapaghalal ng mga susunnood na lider ng rehiyon.

“And I also take this opportunity to remind you to exercise your right to suffrage as you chart your political future in the forthcoming first BARMM elections in May 2025.” -Pangulong Marcos.

Sabi ng Pangulo, ang pagboto sa darating na halalan ay paggampan sa kanilang papel sa pagsusulong ng isang mas mayabong at mas matatag na Bangsamoro Region.

“This is the fulfillment of your democratic right to realize and achieve meaningful autonomy, as is enshrined in the CAB. I urge you, safeguard those rights, empower yourselves, take part in our shared task of nation-building” -Pangulong Marcos.

Pagsisiguro ni Pangulong Marcos, magkakaroon ng isang tapat, credible at maayos na halalan ang rehiyon sa susunod na taon.

“Hindi lamang ako umaasa na malinis at payapa ang halalang ito, pero higit sa lahat, ang bawat kandidato ay tangan ang prinsipyo ng Bangsamoro— ang Bangsamoro Muna Bago Sarili. At titindig sa adhikain na Better Bangsa Moro. As your President, I reassure that you will have an honest, orderly, and credible conduct of the electoral process.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us