Inararo ng isang provincial bus ang mga concrete barrier sa paanan ng EDSA-Santolan flyover northbound sa harap lamang ng Kampo Aguinaldo ngayong umaga
Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang aksidente dakong 4:42 ng umaga.
Nabatid na galing sa Daet ang naturang bus ng Superlines nang mangyari ang aksidente.
Isang pasahero pa ang nasugatan matapos malaglag sa kinauupuan nito dahil sa tindi ng pagkakasalpok ng bus.
Sa panig naman ng bus driver ay may iniwasan itong isa pang sasakyan kaya’t bumangga ito sa mga concrete barrier.
Naialis na rin ang naturang bus dakong 6:45 ng umaga na nagdulot muna ng mabigat na daloy ng trapiko. | ulat ni Jaymark Dagala