Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro si Japan State Minister of Defense Hon. Oniki Makoto sa pagbisita ng huli sa DND sa Camp Aguinaldo kahapon.
Si State Minister Oniki ay nasa bansa sa paanyaya ng DND para sa 3 araw na opisyal na pagbisita, bilang kinatawan ni Japanese Defense Minister Hon. Kihara Minoru.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, nagpasalamat si Teodoro sa suporta ng Japan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program para sa pagsulong ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
Sinabi ni Teodoro na ang Air Surveillance Radar System (ASRS) Project of the Philippine Navy, Official Security Assistance (OSA) grant ng coastal radars, at ang TC-90 Beechcraft at UH-1H spare parts mula sa Japan ay malaking tulong sa pagpapalakas ng kapabilidad sa maritime domain awareness (MDA) ng AFP. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of DND