Simula bukas, Mayo 2, ipapatupad ng Caloocan City Local Government ang modified work schedule para sa mga empleyado ng city hall.
Sa inilabas na abiso ng LGU, magiging alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang opisyal na oras ng trabaho para sa mga empleyado.
Pero may ilang tanggapan ang mananatili sa orihinal na oras ng pasok sa trabaho, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Kabilang dito ang tanggapan ng Business Permit and Licensing Office, City Treasury Department, City Assessment Department at Public Information Office.
Samantala, mananatili pa ring 24/7 ang paglilingkod ng iba pang departamento upang umantabay at umaksyon sa mga pangangailangan ng publiko.
Ito ay ang City Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Safety and Traffic Management Department, City Environmental Management Department, Caloocan City Medical Center, at Caloocan City North Medical Center.
Ang modified work schedule na ipapatupad ng lokal na pamahalaan ay alinsunod sa MMDA Resolution no.24-08 Series of 2024, may mga kawaning papasok ng 7AM upang makatulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila. | ulat ni Rey Ferrer