Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang adjusted working schedule sa oras ng pasok ng mga kawani nito simula ngayong araw, May 2.
Mula sa nakasanayang 8am to 5pm na standard working hours, magiging alas-7:00 na ng umaga ang pasok at matatapos tuwing alas-4:00 ng hapon upang mabuo ang walong oras na trabaho.
Magkakaroon lamang ng bahagyang adjustment para sa mga “frontline offices” upang masiguro na hanggang alas-5:00 ng hapon ay makatutugon pa rin sila sa pangangailangan ng publiko. Tatagal ito hanggang June 30, 2024 hanggang sa makasanayan na ang mas maagang pasok ng mga kawani.
Habang sa mga hindi kasama sa “frontline offices,” ipatutupad na ang 7am to 4pm working hours sa pagnanais ng MMDA na maibsan ang suliranin sa matinding pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila tuwing rush hours o uwian ng mga estudyante at mga manggagawa. | ulat ni AJ Ignacio