Muling sinuspinde ng Pamahalaan Lungsod ng Pasay ngayong araw (May 2) at bukas (May 3) ang face-to-face classes sa lahat ng antas mula sa pribado at pampublikong paaralan dahil sa patuloy na banta ng matinding init ng panahon.
Ang nasabing suspensyon ay alinsunod sa Executive Order No. 42 na inilabas ni Pasay Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano kung papalo sa 42°C o higit pa ang temperatura ng init ng panahon.
Base sa inilabas na abiso ng Pasay LGU, ang Climate Heat Index forecast ng PAGASA-DOST ay maaaring pumalo sa 43 °C o higit pa ang mararanasang temperatura sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito, muling inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng lungsod Pasay na gawin ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng online, modular o anumang alternatibo na nakabatay sa kakayahan ng mga paaralan, guro at mag-aaral. | ulat ni Lorenz Tanjoco