Nagbalik na sa aktibong serbisyo ang BRP Andres Bonifacio (PS-17) matapos sumailalim sa malawakang pagkumpuni at “upgrading” ng “communications and sensor equipment.”
Ang BRP Andres Bonifacio, na isa sa tatlong Offshore patrol vessel ng Philippine Navy ay naka-assign sa Naval Forces West at AFP (Armed Forces of the Philippines) Western Command area of operations.
Kabilang sa mga “upgrade” ng barko ang “combat management system” (CMS) na nagmamando ng lahat ng sensors at armas, para sa mas mahusay na “real time situational awareness, command, and control capabilities.”
Mayroon na ring bagong “air and surface search radar” ang barko, na nagpalakas sa kakayahan nitong magsagawa ng long-range surveillance, search and rescue, at maritime patrol.
Sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitan, ang BRP Andres Bonifacio ay inaasahang magiging mas epektibo sa pagganap ng kanyang mandato sa ilalim ng Naval Task Force 41 mula sa maritime patrol operations, internal security operations, hanggang sa logistics support missions. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of BRP Andres Bonifacio