Gagawin ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat para mabigyan ng libreng legal Assistance at Health Card ang mga pulis.
Sa Flag raising Ceremony sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni Gen. Marbil na ito ay para makabawas sa mga alalahanin ng mga pulis upang mas matutukan nila ang pagganap sa kanilang tungkulin.
Sinabi ni Marbil na mula nang siya’y mag-pulis, madalas na nagkaka-problema ang mga operatiba sa mga “counter charges” bunsod ng kanilang operasyon; kasabay ng pag-amin na minsan ay nahihirapang tapatan ng PNP Legal Service ang mga de-kanpanilyang abogado.
Bukod sa free legal Assistance, sinabi ng PNP Chief na pangarap niya na mabigyan ng Health card ang bawat pulis, kung saan maaring makatulong ang Public Safety Mutual Benefit Fund Inc. sa pamamagitan ng donasyon.
Binigyang diin ng PNP Chief na ang pagsisilbi sa mga mamayan ang prioridad ng PNP, at kasunod nito ang pangangalaga sa kapakanan ng mga pulis. | ulat ni Leo Sarne