LTO, nagsagawa ng Theoretical Driving Course sa Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ng dalawang araw na libreng Theoretical Driving Course ang Land Transportation Office (LTO) sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Nais nito na isulong ang kaligtasan sa kalsada at matiyak na sumusunod ang mga driver sa mga regulasyon ng ahensya.

Gayundin, direktang maghatid ng mahahalagang serbisyo sa publiko habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng responsableng pagmamaneho.

Bukod dito, ang matugunan din ang laganap na isyu ng mga driver na nagpapatakbo ng mga sasakyan na walang valid license.

Ang caravan na idinaos noong Mayo 4 to 5, ay bahagi ng National Road Safety Month at ang mas malawak na road safety campaign ng Department of Transportation at LTO. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us