Nagpasalamat si International Boxing Federation (IBF) Super Featherweight Champion Private First Class Charly Suarez sa buong suporta ng liderato ng Philippine Army sa kanyang tagumpay.
Ito’y sa courtesy call ni PFC Suarez kay Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig kahapon.
Nakamit ni PFC Suarez ang IBF Super Featherweight belt matapos talunin sa 8-round unanimous decision ang katunggaling si Mexican-American Luis Coria noong April 13, 2024, sa Texas, U.S.A.
Nananatiling perpekto ang professional boxing record ni PFC Suarez na may kartadang 16 panalo, 0 pagkatalo, at may siyam na knockout. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by SSg Cesar Lopez, OACPA