Binisita ni Quezon City Regional Trial Court Branch 101 Judge Evangeline Castillo-Marigomen ang bagong pasilidad ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Barangay Payatas, Quezon City.
Layon ng pagpunta ng hukom ay para tingnan at suriin ang kondisyon ng mga PDL na bagong lipat sa pasilidad.
Ayon kay City Jail Warden JSupt Warren Geronimo,
nakipag usap si Judge Castillio-Marigomen sa mga PDL tungkol sa kanilang kaso.
Ipinaliwanag din ng hukom ang kahalagahan ng GCTA o ang Good Conduct Time Allowance at plea bargaining para sa maagang pagpapalaya.
Sa kanyang pagbisita nagdonate ang Branch 101 ng suplay ng pagkain at softdrink sa mga PDL.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng pasilidad at mga PDL sa pagdalaw ni Judge Castillo- Marigomen.
Nitong nakalipas na araw ng linggo ng mailipat na ang lahat ng PDL sa Bagong Quezon City Jail sa Payatas mula sa lumang pasilidad sa Barangay Kamuning. | ulat ni Rey Ferrer