Ininihayag ng National Irrigation Administration (NIA) na magsisimula silang magbenta ng bigas sa halagang Php29 kada kilo sa Agosto.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, inaasahan nang magbubunga ng humigit-kumulang 100 milyong kilo ng staple grain mula sa mga kontrata sa mga kooperatiba ng magsasaka.
Aabot sa 10-kilogram na sako ng bigas ang kanilang ibebenta sa halagang Php29 kada kilo sa mga tindahan ng Kadiwa sa loob ng tatlong buwan.
Aniya, humigit-kumulang 100 milyong kilo ng bigas ang inaasahang ma-produce sa Agosto, at ang kanilang target na pagbebentahan nito ay sa Metro Manila, Cebu, at Davao.
Sabi pa ng NIA Chief, nagsusumikap ang gobyerno na lumikha ng mga sentro ng produksyon ng bigas sa bawat agricultural town.
Nauna nang ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang pagbaba sa presyo ng bigas sa Php 20 kada kilo.| ulat ni Rey Ferrer