Pinulong na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga Regional Director ng ahensya, bilang paghahanda sa El Niño na maaaring maranasan ngayong taon.
Sa ginanap na virtual briefing sa Agency Operations Center, tinalakay ang Disaster Preparedness ng DSWD upang matiyak ang agarang pagresponde sa mga residente na maaapektuhan ng dry spells o tag tuyot dahil sa El Niño.
Batay sa ulat ng PAGASA sa Hulyo, Agosto at Setyembre ang posibilidad ng pag-develop sa El Niño ng may 80 percent.
Sa Oktubre, Nobyembre at Disyembre ay magsisimula na ang epekto ng tag tuyot, at sa Enero, Pebrero, Marso at Abril ng susunod na taon ay inaasahan ang impact ng El Niño. | ulat ni Rey Ferrer