Mabigat na trapiko, asahan sa ilang kalsada sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa ilang kalsada sa Metro Manila simula 10 PM ng May 10 hanggang 4 AM ng May 11.

Gayundin sa kaperehong oras ng May 11 hanggang May 12.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay dahil sa isasagawang paghahatid ng Tunnel Boring Machine na gagamitin sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project Camp Aguinaldo Station.

Ito ay gagamitin para sa paggawa ng tunnel na magko-konekta sa Camp Aguinaldo at Ortigas Station.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang:

– Port/ R-10 (between 10 P.M. to 10:30 P.M.)

– C3 Road (between 10:30 P.M. to 11:30 P.M.)

– 5th Avenue (between 11:30 P.M. to 12:30 A.M.)

– G. Araneta Avenue (between 12:30 A.M. to 1:30 A.M.)

– E. Rodriguez Sr. Avenue (between 1:30 A.M. to 2:00 A.M.)

– Gilmore Avenue at (between 2:00 A.M. to 3:00 A.M.)

– Col. Bonny Serrano Avenue (between 3:00 A.M. to 4:00 A.M.)

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Humingi rin ng paumanhin at pag-unawa ang DOTr sa mga maaabala dulot ng mabigat na trapiko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us