PBBM, sinigurong makakaabot ang tulong ng gobyerno sa mga kababayang mas nangangailangan sa gitna ng krisis dulot ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagbisita nito sa Lungsod ng Zamboanga na patuloy na nakikipag-ugnayan at nagsasanib-pwersa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapawi ang iniindang hirap ng mga Pilipino dulot ng matinding tagtuyot.

Aniya, personal itong tumungo sa Zamboanga upang siguruhin na makakarating ang mga tulong ng gobyerno sa mga kababayan nating nangangailangan lalo na ngayong panahon ng krisis.

Minabuti ng Pangulo na makapaghatid ng sari-saring tulong at suporta sa mga mamamayan ng Zamboanga Peninsula, dahil isa ito sa mga rehiyon na pinakalubhang naapektuhan ng El Niño.

Pinamunuan ni Pangulong Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng P10 milyon sa Lungsod ng Zamboanga, P14.2 milyon para sa probinsya ng Zamboanga del Sur, P14.3 milyon sa Zamboanga del Norte, at P20 milyon para naman sa Zamboanga Sibugay.

Muling pinapaabot ng Pangulo, na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang maibsan ang matinding pinsala na dala ng El Niño.

Aniya, hindi lamang ang Zamboanga ang hahatiran ng tulong kundi lahat ng rehiyon ay kanyang dadalawin at siniguro nitong buong bansa ang tatamasa ng mga programa na ipinagkakaloob ng pamahalaan. | ulat ni Justin Bulanon, Radyo Pilipinas Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us