Iligan City LGU, nagkaloob ng ₱2-M tulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa ₱2 milyon ang ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Iligan City na tulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño sa lungsod.

Napaloob sa naturang tulong ang ₱1 milyong assistance mula sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) para sa agrikultura at rehabilitasyon bilang pagtugon sa El Niño, at ang ₱1 milyong emergency purchase ng 20 power spray mula sa City Agriculturist’s Office (CAO)  para sa mga magsasaka.

Ayon kay CAO Focal Person Kevin R. Fernan, patuloy pa rin ang Iligan City LGU sa pamimigay ng tulong upang matugunan ang problemang dulot ng El Niño.

Batay sa ulat, nasa 31,000 ektaryang lawak ng lupa na apektado ng El Niño partikular sa Barangay Rogongon sa Iligan City.

Naiulat din ng CAO na umabot na sa 10,000 ang mga rehistradong magsasaka sa lungsod ng Iligan.

Samantala, namigay rin ang CAO ng mga high value seeds o binhi na kayang tiisin ang mainit na panahon. | ulat ni Sharif Timhar, Radyo Pilipinas Iligan

📸Asenso News Iligan City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us