Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang closing Ceremony ng Balikatan 39-2024 military exercise, ang taunang pagsasanay ng Pilipinas at Estados Unidos sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.
Ang 3 linggong pagsasanay na nilahukan ng 16 na libong sundalo ng magkaalyadong pwersa ay itinuturing na isang malaking tagumpay.
Kabilang sa mga tampok na pagsasanay ang Mulitilateral Maritime Exercise, Counter Air Operation, Live- Fire Exercise at Maritime Strike Exercise.
Maliban dito ay nagkaroon din ng Cybersecurity simulation, humanitarian at civic assistance at Disaster response drills ang Balikatan ngayong taon.
Ayon kay Balikatan Exercise Director MGen. Marvin Licudine, inaasahan ang mas challenging at mas “complex” na Balikatan sa susunod na taon.
Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na malaking tulong sa kanilang hanay at maging sa American forces ang ginawang palitan ng kaalaman at kakayanan ng dalawang pwersa. | ulat ni Leo Sarne