Pinagpaplanuhan na ipatupad sa susunod na taon ang “Whole of Government Approach” sa taunang Balikatan Exercise.
Sa pulong balitaan kasunod ng pagtatapos kaninang umaga ng Balikatan 39-2024, sinabi ni Balikatan Exercise Director MGen. Marvin Licudine na agad ding sisimulan ngayong hapon ang pagpaplano sa susunod na ehersisyo.
Ayon kay Licudine, target nilang lawakan ang partisipasyon ng pagsasanay sa pagpapatupad ng “whole of Government” at “whole of People” Approach.
Bukod aniya sa iba’t-ibang military units, inaasahang magkakaroon ng mas malaking papel sa susunod na Balikatan ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police.
Iimbitahin din aniya ang mga government agencies katulad ng Department of Foreign Affairs at Department of Information and Communications Technology. | ulat ni Leo Sarne