Hinihikayat ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza ang gobyerno ng Pilipinas na magsampa na ng bagong arbitration case sa International Tribunal laban sa China.
Itoy dahil sa patuloy na ginagawang harassment ng Chinese Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Jardeleza, walang ibang paraan ang ating bansa para pigilan ang Tsina sa pambubully nito sa ating teritoryo.
Naniniwala ang dating Mahistrado, ang International Tribunal ang tamang venue para kasuhan ang China sa mga inasal nito sa West Philippine Sea.
Bukod sa harassment sa mga barko ng Pilipinas, dapat na rin daw papanagutin ang Chinese Government sa pagsira at paglapastangan sa yamang dagat lalo na sa mga corals.
Si Jardeleza ang dating Solicitor General sa administrasyon ni dating Pang. Noynoy Aquino at sya rin ang tumayong agent ng Pilipinas sa arbittal ruling laban sa China. | ulat ni Michael Rogas