Kasunod ng pinaigting na pagbabakuna kontra tigdas sa mga bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa measles outbreak, nadagdagan pa ang bilang ng mga batang nabakunahan ng Philippine Red Cross (PRC) sa rehiyon.
Sa tala ng PRC, nakapagbakuna ng karagdagang 194 na mga bata laban sa tigdas.
Sa kabuuang, umabot na sa mahigit 22,000 na mga batang edad anim na buwan hanggang 10 taon ang nabigyan ng bakuna sa BARMM simula April 1 hanggang May 9.
Binigyang-diin naman ng PRC na mahalaga na makapagpabakuna sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit lalo na sa mga kabataan. | ulat ni Diane Lear