Pinaghahandaan na ng Quezon City government ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Ngayon pa lang, abala na ang mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa pag-repaint ng mga flood markers sa lungsod.
Ang flood markers ay nagsisilbing early warning upang alertuhan ang publiko sa antas ng tubig baha sa kanilang lugar.
Makikita ang mga flood markers lalo na sa low-lying communities na mabilis malubog sa baha.
Bahagi na rin ito ng mas malaking early warning at monitoring systems na ginagamit ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer