DepEd, nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing Grade 10 student sa Iloilo, gayundin sa 10-taong gulang na bata sa Tupi, South Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ng Department of Education (DepEd) ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ng dalawang estudyante mula sa Iloilo at South Cotabato na napaulat na nasawi

Batay sa ulat ng DepEd, nasawi ang Grade 10 student mula sa Maasin, Iloilo noon pang May 10 subalit hindi nito idinetalye ang sanhi ng kamatayan ng nasabing bata.

Nagkakasa na ng psychosocial intervention ang Child Protection Committee ng nakasasakop na paaralan sa mga malalapit na guro at kaibigan ng naturang learner.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng paaralan sa mga kinauukulan hinggil sa usapin.

Dahil dito, umapila ang DepEd sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon o ispekulasyon hinggil sa sanhi ng kamatayan ng naturang mag-aaral.

Samantala, nasawi naman ang 10-taong gulang na batang babae sa Tupi, South Cotabato na hinihinalang ginahasa muna bago patayin ng isang 44-anyos na suspek.

Agad namang nahuli ang suspek subalit namatay din matapos mabaril ng Pulis dahil sa pang-aagaw ng baril habang isinasailalim sa inquest proceedings.

Dahil dito, iginiit ng kagawaran na walang puwang ang anumang karahasan sa mga kabataan at nanawagan sa mga awtoridad na paigtingin ang kanilang hakbang para tiyaking ligtas ang mga komunidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us